“PASASALAMAT”

♥♥♥

images

 

Kagabi habang ako’y nakaupo sa sinag ng buwan,

Habang nakamasid sa ningning ng kalangitan,

At pinagmamasadan ang liwanag ng kalupaan dulot ng ilaw ng mga gusali at tahanan ya binalot ako ng “PANGLAW”.

ng “LUNGKOT”.

ng “LAMIG”.

sa pag-alaala ng kahapong may “BIGAT”.

may “SAKIT”.

may “PIGHATI”.

may “SUGAT”.

 

Binalot ako ng “PANGLAW”.

Binalot ako ng panglaw sa pag-alaala ko ng IKAW.

Binalot ako ng panglaw sa masasayang karanasan,

Sa di-mapantayang kaligayahang naalala ko kapag nagbabalik tanaw,

Na sa kabila ng masigla nating pagsasama,

Ng mga naguumapaw ng ala-ala,

Ng mga natatangi nating sandali, mga pinagsasaluhang ngiti!

Ay binalot padin ako.

Binalot ako ng panglaw!

 

Niyakap ako!

Niyakap ako ng “LUNGKOT”.

Ng lungkot sa tuwing dumadampi ang mainit mong balat sa katawan kong sabik sayo,

Sa tuwing dumadampi ang matamis mong halik sa mga labi kong uhaw sa kalinga mo,

Sa tuwing maririnig ang malambing mong boses na bumubulong sa mga tenga ko,

Sa tuwing nararamdaman ang mainit mong yakap!

Na unti-unting humihigpit sa pagbaybay ng mga salitang “IKAW LANG ANG MAHAL KO!”.

NIYAKAP AKO!

Niyakap ako ng lungkot!

 

Nabuhusan ako.

Nabuhusan ako ng “LAMIG”.

 

Ng lamig ng iyong pag-alis at tuluyang paglayo,

Ng lamig ng mga salitang “HINDI AKO NARARAPAT SAYO!”.

Ng lamig ng mga kamay mong bumibitaw!

Ng mga yakap mong kumakalas!

Ng mga tinig mong naglalaho!

Ng mga ala-ala nating lumalabo!

NABUHUSAN AKO!

Nabuhusan ako ng lamig!

 

Sa kabila ng lamig at ginaw na aking nararamdaman ay hindi kita sinisi,

Na kahit sobrang bigat na ng aking dinadala ay hindi kita sinisi,

Na kahit namimilipit na ako sa sakit ay hindi kita sinisi,

Na kahit napupuyat ako sa gabi!

Naging dakilang sawi!

Ni hindi na magawang ngumiti!

Ay hindi!

Hindi ko magawang sayo ay isisi!

 

Sa halip ay gusto ko sayong MAGPASALAMAT!

Gusto kong magpasalamat dahil sa iniwan mong SUGAT!

SUGAT na sa paglipas ng panahon ay magiging peklat ng magpapaalala ng LAHAT!

NG LAHAT!

ng BIGAT!

ng SAKIT!

ng PIGHATI!

 

At ang lahat ng ito ay mananatili.

DITO!images (1)

Dito mananatili!

Mananatili at magsisilbing lakas,

Lakas nt gagamitin kong armas,

Gagamiting armas sa paglakbay sa bagong simula ng wala ka,

Sa pagtahak sa mundo ng nagiisa,

Sa tuluyang paglimot sayo at umasa,

Na ako ay muling ngingiti…

Na ako ay muling sasaya…..

Na ako ay muling magmamahal>…..

 

Kagabi sa aking pagtayo sa mahabang pagkakaupo ay muli kong pinagmasdan ang kalangitan,

Tumingin sa mga bituing nagniningning at humiling,

Na sana bukas sa aking paggising,

Ay hindi na kita kailanman iisipin……

 

download

Advertisements

“MASAYA NGA BA TALAGA ANG MAGMAHAL??”

Heart-question-mark

Masarap ma-inlove!

Masaya!

Nakaka-excite!

 

 

“yung feeling ng alam mong may nagke-care at nagaalala sayo,

na may nagpapaalala ng 3 meals sa bawat araw mo,

laging me tanong na…

nagbreakfast ka na ba??

nag-lunch ka na??

nag dinner ka na ba??

at kada umaga at gabi ay nagtetetxt o nagsasabi sayo ng “mahal kita!”

Sarap diba??

 

“Sarap maging masaya sa buong araw na alam mong may isang tao na ang turing sayo ay kakaiba,

na sa dinami-dami ng tao ay pinili nyang maging espesyal ka,

na sobra sobra ang binibigay nya sayong pagpapahalaga,

na ikaw? syempre! sino ka ba naman para hindi maappreciate ang mga effort niya.

 

Sa ganitong senaryo ng buhay mo, masasabi mong OO!

Masaya ang magmahal!

Masaya!!

Masaya na katangi-tangi ka sa kanya araw-araw,

Masaya!

na tipong lahat ng magpapaligaya sayo ay gagawin nya,

Masaya!

na lahat ng papuring salita ay bibigkasin niya sayo para lang mapangiti ka,

Masaya!

na sa bawat pagtatapos ng maghapon mo ay ihahatid ka nya pauwi para masiguradong ligtas ka!

Masaya!

Masaya talaga ang magmahal!!

 

 

Na sa bawat kalungkutan mo ay nandiyan siya para pagaanin ang bigat ng iyong dinadala,

Na sasabihin niya sayong “kung pwede lang ako ang umako ng lahat ng sakit, huwag ko lang makitang nahihirapan ka!”

Na sa bawat pagpatak ng luha mo ay laging may sumasalong panyo niya,

Na sa twing may mang-aapi o mananakit sayo ay sumusugod sya para ipagtanggol ka, Tunay nga!

 

Tunay nga bang masaya ang magmahal??

O mas tama ba na palitan natin ang titulo ng tula at gawing,

“Masaya nga ba talaga ang mahalin??”

 

Dahil sa lahat ng pagmamahal at pag-aalaga,

na pinakita at pinaramdam niya,

ay bigla syang may hindi inaasahang ginawa!

 

Ang lahat ng pag-eeffort niya ay unti-unting nawawala,

Ang pagke-care at pagaalala niya tila naglalaho na,

At hindi ka na makasagot ng “oo! kumain na ako!” kasi wala na ang mga tanong niya,

Na sa paggising ay bumabalikwas ka sa pagbangonat tinititiggan sa gabi ang cellphone mo para abangan ang text niyang “mahal kita!”

 

At congrats!! literal na kakaiba at espesyal ka na!

Dahil ngumingiti ka na lang biglasa tuwing naaalala ang paglalambing at papuri niya,

At pagkatapos ay papatak ang mga luha sa mukha dahil wala nang sumasalong panyo niya,

Na nag-iisa ka nang bumabaybay ng daan pauwi ng puno ng ala-ala ng kulitan nyong dalawa!

 

Ngayon! masasabi mo pa ba??

Na masarap at masaya??

Ang magmahal at mahalin??

 

 

Matapos ka nyang patikimin ng “one of a kind romance!” at bigla na lang limutin,

Matapos iparamdam na “you’re living in your dreams!” at bigla ka nyang ginising,

na for Goodness sake!

kung kailan minahal mo na siya ng higit sa pagmamahal nya ay tsaka pa nya nagawa na puso mo’y durugin,

at ikaw ay kanyang lisanin!

 

Masaya pa ba ang magmahal??

Masaya pa nga ba talaga ang magmahal, ng taong tapos ka nang mahalin!!???

 

1

 

 

 

 

“SA KANYA”

 

Hindi madali ang bumangon,

Sa masakit na pagkakadapa,

Mahirap ang patuloy na sumulong,

Kung lalong bumibigat ang pasakit na dinadala,

 

Bagamat ganoon ay huwag mawalan ng pag-asa,

Sadyang mahirap ang lahat sa umpisa,

Sa Kanya iyo lang ipagkatiwala,

Di’ mo mamamalayan ang ginhawa,

 

Ang dating mabigat ay gumagaan,

Ang grabeng sakit ay naiibsan,

Mahirap na pagsubok ay nalalampasan,

Sa madilim na daan ay naliliwanagan,

 

Kanyang pagmamahal ay namamayani,

Inaakay tayo na magpursigi,

Di’ hahayaang maging sawi,

Babantayan, aalagaan palagi,

 

Sa ating buhay huwag Syang limutin,

Mga turo niya ay ating baunin,

Tiyak lahat mapagtatagumpayan natin,

Pagkat Siya ay buhay, kasama natin,

 

12

“PAG-IBIG”

Inspirasyon ng nakararami,

Dahilan ng matatamis na ngiti,

Dulot ay masasayang ala-ala,

Na mababalik-balikan sa twina,

 

Sa marami ito’y nagiging batayan,

Inspirasyon, haligi at sandigan,

Maging pangarap ay nakakamtan,

Purdigido’t, masigasig, di’ mapantayan,

 

Kalooba’y lumalakas at tumatatag,

Pasensya’y lumalawak puso’y nag-aalab,

Tiwala’y mataas, di’ matitibag,

Kumpyansa sa sarili’y namamayagpag

 

Pag-ibig! yan ang paglalarawan ,

Sa mga taong nakararamdam nasasaksihan,

Wagas na kilig at kaligayahan,

Di’ masusukat, di’ mapapantayan,

 

download

“BAGONG UMAGA”

Sa pagsilip ng sikat ay napapawi,

Kawalang pag-asa, lungkot, at pighati,

Sariwang init saki’y dumarampi,

Handog ang pag-asang makakabawi,

 

Tanging dala nitong “Bagong Umaga”,

Pag-ibig, pag-asa’t, ligaya,

Tiwala sa sarili at higit sa kanya,

Biyaya ng Maykapal ibinabahagi sa kapwa,

 

Ating nakaraan ay limutin,

Bagong umaga’y silipin,

Tumindig, huminga at harapin,

Bagong simula naghihintay sa atin,

 

Aral ng kahapon ay ating ibaon,

Buhay na salita kaloob ng Panginoon,

Siya’y katuwang sa ating pagsulong,

ng mga adbokasiyang hangad ay tumulong,

 

Di’ pa huli upang makabawi,

Itama ng husto ang mga maling gawi,

Walang magandang maidudulot palagi,

Kasalanan lamang ang mamumutawi,

 

Sa Bagong Umaga ating iaalay,

Serbisyo, pag-ibig at ating buhay,

Sa Bagong Umaga, tayo’y gagabay,

Sa mga taong bigo at nalugmok ng tunay,

 

wawa

“DIYOS AMA”

Katangi-tangi ang iyong pangalan,

Pinupuri ka at pinasasalamatan,

Hatid mo’y kaluwalhatian,

Ligaya, pag-ibig, at kapayapaan,

 

Itinataas ka namin Panginoon,

Pagdakila at pagkilala ang aming tugon,

Pag-ibig sayong tunay di-maglalaon,

Buhay’ mong salita aming ibabaon’,

 

common

 

Buhay namin sayo’y iaalay,

Kayo po nawa ang maging gabay,

Katawan nami’y gamiting tunay,

na instrumentong magbibigay kulay,

 

Sa buhay ng mga sayo’y naniniwala,

Patuloy na nananalig at nananampalataya,

Lubos na pag-ibig at pagsamba,

Handog namin Sayo, Oh! Diyos AMA!

“LAKAD”

Sa bawat yapak ng mga paa sa bangket,

Ay pagkaripas ng sasakyan na may mabulahaw na busina,

Na nagparindi at nagbuhol ng mga ideyang,

Gustong kumawala at pumiglas sa gunita,

 

Bitbit ang bigat at sakit na nadarama,

Dulot ng madilim na karanasang di-inakala,

Patuloy na pagdaloy ng luha sa mga mata,

Di alintana ng isipang gulo at pusong sira,

 

hart hart

 

Hindi alam kung saan patutungo,

Ang lalaking dismaya at lubhang nabigo,

Patuloy ang pagtahak ng daanang bako,

Di-ininda ang sakit ng matitilos na bato,

 

Sa patuloy na paglakad, aking nasilip,

Nagniningning na bituin wari’y lumalapit,

Tila matingkad at mapang-akit,

Tangay ay liwanag ng daang matuwid,

 

Bagama’t pagkabigo at pighati ay nanatili,

Sa pusong sugatan dulot ng maling gawi,

Patuloy sa paglakbay bitbit ang ngiti,

Dala ay pag-asang makakabangong muli,